Friday, June 12, 2009

Araw ng Kalayaan (Independence Day) June 12

Taon-taon nating ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan. Ang tanong, malaya nga ba talaga ang sambayanang Pilipno? Wag mong isipin na ako ay mambabatikos ng mga kurap na pulitiko. Matagal na ang mga yan sa larangan ng kurapsyon kadahilanan na din ng mga bulok na sistema. Kaya bago tayo magtuturo, sino ba ang naghalal sa kanila? Tayo. Mismong sambayanan na nahihirapan. Baguhin natin ang ating sarili para mabago ang dapat mabago sa bansa. Sa atin dapat magsimula. 'Wag magpasilaw sa pera sa halalan para iboto mo siya. Pakiusap. Dahil ikaw din ang maghihirap. Hindi naman talaga yoon pagbili ng boto, pagbili yun ng iyong karapatan. Karapatang bumoto at pumili ng iboboto, kasama ang mga karapatan mo bilang mamamayan. Tandaan mo, nasa mga kamay mo ang pipili ng katuwang mo sa pagtatanggol at pagtataguyod sa karapatan mo bilang isang tao at higit sa lahat, bilang isang Pilipino.

Magtulungan tayo para makamtan ang ating mithiin. 'Wag maging bilanggo sa makapansariling pagiisip. May pagasa ang ating bansa.
Mabuhay ang Pinoy! Mabuhay ang Pilipinas!

English Translation:
Every year we celebrate the Independence day. But the question is, are the Filipino people really free? Don't think that I am here to criticize the corrupt politicians. They been in the field of corruption for so long because of the rotten systems. So, before we start blaming, who elected them to position? Us. The very people who are suffering. Let us change ourselves to change what needs to be changed in our country. Change should start from us. Don't accept bribes just to vote for someone this coming election. Please. Because you will be the one to suffer. They are not really buying your vote, they are buying your rights. Right to vote and choosing who to vote for, together with it are your rights as a citizen. Remember, the decision of who will be your partner to defend and protect your rights as a person and most of all, as a Filipino, is in your hands.

Let's help each other to reach our aspirations. Don't be a prisoner of a selfish mind. There is hope for our country.
Long live the Filipino! Long live the Philippines!

6 comments:

m said...

Happy Independence Day?!

icesee said...

Yup tama nga. Karapatan natin naaalis kung hahayaan natin bilhin nila ang ating boto. Siguro may makakakain tayo para sa isang linggo dahil sa bayad pero eventually, mas magugutom rin tayo kung hayaan natin na manalo yung di karapat-dapat diba.

Di pa pala ako nakakapagregister para sa elections. Hahaha!

Anyway, thanks for following my blogspot. I'm following yours too!

Okay super reply ako. Haha!

Goryo Dimagiba said...

I am encourage with this post..

Kris said...

ok yan.. kesa spam reply.. hehe.. naeencourage ako sa mga nagcocomment e.. =)

ikinatutuwa kong naencourage kita Goryo..

Hari ng sablay said...

hapi independence day.

teka, hapi nga ba?

Kris said...

@Hari ng sablay - yun lang! pero natural namang masayahin naman ang pinoy.. pero kahit na..! dapat pa rin ipaglaban ang ating karapatan.. basta wag lang kakalimutan ang mga responsbilidad.. =)